MRT, tumirik nanaman kaninang umaga!

Manila, Philippines – Maaga na namang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit matapos na magkaaberya ang isa sa mga tren nito kaninang umaga.

Dahil dito, mahigit 15 minutong nagpatupad ng provisional service ang MRT.

Limitado lang ang biyahe ng mga tren mula North Avenue Station hanggang Shaw Boulevard at pabalik.


Technical problem ang sinasabing dahilan ng aberya.

Alas 8:28 na nang maibalik sa normal ang biyahe.

Facebook Comments