MRT3, Nagka aberya Cubao Station Southbound

8:29 kanina nang nagkaroon ng problema ang operasyon ng  Metro Rail Transit Line 3

Ayon sa MRT 3 management nagkaroon ng technical problem ang Overhead Catenary System ng isang tren sa Cubao Station Southbound.

Depektibo o may kalumaang   mechanical components ang dahilan ng aberya.


Agad naman itong nai-coordinate sa OCS team kung kaya’t naayos ang technical problem bandang 8:48 AM.

Agad namang nailipat ang mga pasahero sa sumunod na tren.

Facebook Comments