MS U 2018! | Resolusyon na kumikilala sa tagumpay ni Ms. Universe Catriona Gray, inihain sa Senado

Manila, Philippines – Inihain ngayon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Senate Resolution Number 376 na kumikilala sa naging tagumpay ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray.

Nakasaad sa resolusyon ang hindi matatawarang karangalan na ibinigay ni Gray sa Pilipinas at mamamayang Pilipino nakaraang talunin nito ang 93 contestants mula sa iba’t ibang bansa.

Pinuri din sa resolusyon ang ipinamalas ni gray na talino at pagiging makabayan sa patimpalak lalo na sa question and answer portion.


Tinukoy din sa resolusyon ang pagsusulong ni Gray ng iba’t ibang adbokasiya at pagtulong sa ibat ibang organisasyon na may magagandang ambag sa mamamayan at sa bansa.

Facebook Comments