Msgr. Arnaldo Catalan, inordinahan na kahapon bilang arsobispo

Pormal nang itinalaga kahapon bilang arsobispo si Monsignor Arnaldo Catalan na magsisilbing Apostolic Nuncio sa bansang Rwanda.

Pinangunahan nina Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples Cardinal Luis Antonio Tagle, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang installation ni Catalan na ginanap sa Manila Cathedral.

Bukod kina Tagle at Advincula, dumalo rin sa ordinasyon ang dalawa pang kardinal ng pilipinas na sina Manila Archbishop Emeritus Gaudencio Cardinal Rosales at Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo.


Sa homiliya ni Cardinal Tagle, pinayuhan niya ang bagong arsobispo na manatili sa pananampalataya sa kabila ng mga kakaharaping pagsubok sa kaniyang bagong gampanin bilang nuncio.

Bago italaga bilang Papal Envoy, nauna nang nagsilbi si Catalan sa apostolic nunciatures sa Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada at Pilipinas.

Ang Apostolic Nuncio ang siyang inaatasang maging kinatawan ng Santo Papa kung saan siya nakatalagang bansa.

Facebook Comments