Pinagpapaliwanag ng Land Transportation Office (LTO) ang operator at driver ng MSJ Tours bus dahil sa paglabag sa road transport rules at safety.
Nahagip ng dashcam video ng isang netizen at inilagay sa social media ang walang ingat na pagpapatakbo ng MSJ Tours bus na may conduction sticker no. U1 L782, sa EDSA busway.
Sa bilis na pagpapatakbom nahagip nito ang mga concrete lane separator barrier ng madaanan.
Sinabi ni LTO Asec. Edgar Galvante na pangatlong pagkakataon na ganito ang insidente sa EDSA busway.
Una nang dininig kahapon ng LTO ang kahalintulad na kaso ng Joanna Jesh Transport bus na may plate number CAP 5133, at Roval Transport Public Utility bus na may plate number NDQ2621 na inararo rin ang mga lane separator barrier sa EDSA Busway noong nakalipas na linggo.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), hindi sila mag-aatubiling patawan ng nararapat na kaparusahan ang operator at driver ng MSJ Tours na sangkot sa insedente.
Babala pa ni Galvante sa mga road transport partners na hindi kukunsintihin ng
DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at LTO ang mga ganitong iresponsable at walang ingat na paraan ng pagmamaneho na banta sa buhay at pinsala sa ari-arian.