MSMEs, aasahang magkakaroon ng mas magandang oportunidad pagkatapos ng ASEAN summit sa Indonesia

Inaasahang mas magiging competitive ang Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa bansa pagkatapos nang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa 43rd Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit at related summits sa Jakarta, Indonesia, simula bukas hanggang September 7.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Allan Gepty, mabibigyan ng mas malawak na access ang MSMEs hindi lamang sa foreign market kundi maging sa supply Chain Market, kung saan maari nang i-export ang produkto ng MSMEs, kung kaya’t mahalaga ayon kay Asec. Gepty ang Free Trade Market.

Inaasahan din aniya nila ang paglulunsad sa gagawing ASEAN Summit ang negosasyon para sa Digital Economy Framework Agreement.


Ayon pa sa opisyal, sila sa ASEAN ay patuloy ang pag-uusap laban sa pag-i-impose ng unnecessary tarrif charges, upang mas mabilis ang pagalaw ng mga produkto.

Facebook Comments