MSMEs, dapat maging AI-ready ayon kay PBBM

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin pa ang micro, small and medium enterprises (MSME) sa pamamagitan ng artificial intelligence (AI).

Sa sectoral meeting sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kailangang makasabay ang maliliit na negosyo sa modernong teknolohiya.

Sa ganitong paraan, makatutugon aniya ang MSMEs sa physical at online demands.


Sabi ng Pangulo, hindi naman kailangang maging eksperto ang mga ito kundi kailangan lang na matutunan at magamit nila ang sistema ng AI.

Ayon pa sa Pangulo, ang pagsisikap ng gobyerno na maipakilala ang AI sa MSMEs ay makatutulong sa ease of doing business at para gawing mas madali at mas simple ang pagnenegosyo.

Positibo si PBBM na malaki ang maitutulong ng MSMEs sa paglago ng ekonomiya lalo’t nasa higit 65 percent na ang kabuuang ambag nito sa employment.

Facebook Comments