MSMEs sa ARMM, lumahok sa Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair!
Sa pamamagitan ng Department of Trade and Industry-ARMM lumahok sa Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair ang 11 mga piling Micro, small and medium enterprises (MSMEs) mula sa iba’t-ibang bahagi ng ARMM.
Ang fair ay ginanap sa Megatrade Halls,Sm Megamall,Mandaluyong City na inisponsor ni Sen. Loren Legarda at inorganisa ng DTI Bureau of Trade and Promotion.
Sa Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair ay itinampok ang 150 MSMEs mula sa iba’t-ibang panig ng bansa na naglilikha ng heritage crafts tulad ng women textile products, home furnishings, fashion accessories at local foods.
Ang MSME participants mula ARMM ay kinabibilangan ng Women Rural Improvement Club Consumer Cooperation,Sulu Handicraft,Sulu Weavers,Marawi Souvenir Shop,TingTing Craft and Souvenir,Datu Sandalan Business Marketing Cooperative,Nunukan Handicraft Makers Association,Maguindanao Women for Peace and Development Organization Inc.,Silantup Matweavers Association,Tawi-Tawi Island Souvenir at ng Ungus Matata Matweavers Association.
Layunin nito na mapreserba ang kultura at tradisyon ng Pilipinas.
MSMEs mula ARMM, lumahok sa Sikat Pinoy National Arts and Crafts Fair!
Facebook Comments