MSMES O MGA MALILIT NA NEGOSYANTE SA DAGUPAN CITY, TUMANGGAP NG 15K NA PAMPUHUNAN

DAGUPAN CITY – Tumanggap ng nasa P15, 000 na halaga na pampuhunan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) o mga maliliit na negosyante sa Dagupan City mula sa Sustainable Livelihood Program mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang halagang natanggap ng mga kwalipikadong benepisyaryo ay ilalaan bilang puhunan sa mga negosyo o kabuhayan upang mas mapalago pa ito.
Nasa siyamnapu naman o 90 ang kabuuang bilang ng mga negosyanteng tumanggap ng tulong pangkabuhayan sa pamamagitan ng LGU Dagupan.

Samantala, ang SLP ay isang capability-building program ng DSWD na nagbibigay ng access sa mga oportunidad na nagpapataas ng productivity ng livelihood assets ng mga mahihirap, at kabilang sa marginalized na komunidad, upang mapabuti ang kanilang katayuan sa buhay para mapagtagumpayan ito. #ifmnews
Facebook Comments