Tinanggap ng hindi bababa sa 14 na Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa Pangasinan ang kabuuang PHP9.7 milyong soft loan mula sa Department of Science and Technology (DOST).
Sa isang panayam, sinabi ng project assistant ng DOST Pangasinan na si Edward Ugale na ang tulong ito ay para sa mga MSMEs sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) ng ahensya.
Layunin nito upang hikayatin ang mga negosyante na pagbutihin ang kanilang mga produkto, serbisyo, operasyon, produktibidad, pagiging mapagkumpitensya, at hikayatin ang mga inobasyon para sa Pilipinas.
Magsisilbi ang pondong ito bilang start-up fund para sa kanilang mga pagnenegosyo. Sa programang ito, hindi na umano kailangan ng collateral mula sa mga benepisyaryo at walang interes sa kanilang magiging utang.
Samantala, kwalipikadong maka-avail ng ayuda sa ilalim ng SETUP ay ang mga nasa food processing, furniture, gift, decors, and handicrafts, agriculture, marine, aquaculture, fishery and livestock, metals and engineering, information and communications technology, health and wellness products, mga produktong halal, at iba pang prayoridad sa industriya ng rehiyon. | ifmnews
Facebook Comments