MSME’S SA SYUDAD NG CAUAYAN, NABIGYAN NG LIVELIHOOD KITS

Kamakailan lamang ay nagsagawa ang Department of Industry (DTI) ng Consumer Welfare Month kung saan nagkaroon ng Awarding of Livelihood Kits sa mga piling MSME’s sa siyudad ng Cauayan.

Ayon sa naging panayam ng 98.5 IFM Cauayan kay Frechel Umaguing, ang Junior Business Councilor ng DTI N.C Cauayan City, naglalaman aniya ang ilan sa mga ito ng mga bigas, delata, at iba pang items na konektado sa produktong ibinebenta ng mga MSME’s sa lungsod.

Ilan sa mga napamahagian ay ang may pwesto sa wet market, gulayan, karinderya, at iba pa.

Bago umano nabigyan ng livelihood kits ang mga natukoy na benepisyaryo ay sumailalim muna ang mga ito sa isinagawang seminar at consumer education forum ng naturang ahensya.

Parte aniya ang naturang pamamahagi sa ilalim ng programa nito na Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay o LSP-NSB.

Dagdag pa ni Ms. Umaguing, nagsimula ang naturang programa noon pang taong 2020 habang kasagsagan ng pandemya.

Layunin ng programang LSP-NSB, na magbigay ng tulong para sa mga maliliit na negosyante labis na naapektuhan sa kasagsagan ng Covid-19.

Facebook Comments