Mt. Agung sa Bali Indonesia tinaas sa alert level 4, mga Pinoy pinag-iingat

Manila, Philippines – Sa ipinalabas na abiso ng ating embahada sa Jakarta, Indonesia mahigpit na pinag-iingat ngayon ang mga Filipino na nakatira at magtutungo sa Bali Indonesia.

Ito ay kasunod narin ng pagtataas sa alert level 4 ng Mt. Agung dahil sa posibilidad na ito ay pumutok.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, naglabas narin ng babala ang National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia sa mga residente at turista sa Bali at pinadidistansya na sa 12km radius ng Mt. Agung.


Naghahanda narin ang Ministry of Transportation para sa pagdivert ng mga flights mula sa Ngurah Rai Int’l airport sa Bali patungong Yogyakarta, Surakarta, Surabaya at Lombok.

Samantala, maaari namang tawagan ng mga Pinoy ang Embahada ng Pilipinas sa Jakarta sakaling mangailangan ng anumang ayuda kaugnay sa nasabing sitwasyon.

Facebook Comments