Mt. Apo Natural Park sa Davao, pansamantalang isinara sa mga trekker dahil sa epekto ng matinding tagtuyot

Pansamantalang isinara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Mt. Apo, ang tinaguriang highest peak ng bansa.

Ito’y simula ngayong araw hanggang March 30, 2024.

Bunsod na rin ito ng nararanasang dry spell o humaba pang tag-tuyot na nakaapekto sa trekking at camping sites sa Mt. Apo Natural Park.


Ang pansamantalang pagpapatigil ng lahat ng trekking activities sa Mt. Apo ay ibinase sa Protected Area Management Board Executive Committee Resolution No.1 series of 2024.

Ayon sa DENR, dahil sa kasalukuyang epekto ng nararanasang El Niño phenomenon, pangunahing isinaalang-alang ang kaligtasan ng kapaligiran at ng mga bumibisita sa Mt. Apo Natural Park.

Inilabas ang advisory ilang araw bago ang pagsisimula ng Semana Santa, lalo pa at ang Mt. Apo ay isa sa paboritong puntahan ng mga trekker at ng mga nais magnilay-nilay sa panaho ng Kwaresma.

Facebook Comments