Manila, Philippines – Patuloy na ino-obserbahan ngayon ng Philippine
Institute of Volcanology and Seismology ang Mt. Bulusan matapos na magbuga
ng puting abo sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa latest bulletin ng PHIVOLCS – nagkaroon ng mahinang buga ng abo na
umabot sa 100 metro ang taas habang isa lang ang naitalang paggalaw o
volcanic earthquake.
Base sa isinagawang precise leveling noong Enero 29 hanggang pebrero 3 sa
kasalukuyang taon, namataan ang deflationary changes o pag-impis ng paligid
nito mula pa noong Oktubre ng nakaraang taon.
Sa ngayon ay nakataas sa alert level 1 na nangangahulugan nang abnormal na
aktibidad sa bulkan.
Matatandaang una nang naiulat na mahigpit na pagbabantay ng PHIVOLCS sa mga
bulkan sa kabikolan kaugnay na rin ng mainit na panahon na posibleng
makaapekto sa aktibidad nito sa loob.