Mt. Cararao inakyat ng mga otoridad

Tinungo ng mga elemento ng Buldon MPS kasama ang mga barangay officials at liblib na Mount Cararao.

Pinangunahan ito ni ABC President Rufo Capada at Buldon Chief of Police Sandro Ampad.

Kaugnay nito, sa halos 24 oras na paghalughog sa Mt. Cararao, lumalabas na walang mga armado o Maute members sa lugar taliwas sa naunang ipinahayag ni Pangulong Duterte na maaring makapasok o nakapasok na ang mga Maute sa Buldon.


Noong sabado agad ring nagsagawa ng MPOC ang Buldon LGU at pinangunahan ito ng Mayor Abolais Manalao.

Igiinit naman ng alkalde na matagal na silang naghigpit ng seguridad bago pa man ang nangyaring krisis sa Marawi.

Isa ang Buldon sa mga bayan na malapit lamang sa Butig Lanao Del Sur, na kilalang pinagmulan ng Maute. (DENNIS ARCON)

BULDON MPS pics







Facebook Comments