MT. LAMMIN SA ILOCOS NORTE, PANSAMANTALANG ISINARA UPANG MAIWASAN ANG GRASSFIRE

Pansamantalang isinara ng lokal na Pamahalaan ng Piddig sa Ilocos Norte ang Mount Lammin noong Lunes, upang maiwasan ang pagkakaroon ng grassfire.
Inanunsyo ito ni Piddig Mayor Georgina Guillen upang maprotektahan ang likas na yaman, wildlife, at ang lokal na komunidad ng Mount Lammin.
Ang Mount Lammin ay Kilalang destinasyon dahil sa malamig nitong klima at ang pinakamalaking taniman ng kape sa Region 1.

Mahigpit na ang isinasagawang monitoring, checkpoint at pagtatalaga ng mga lokal na opisyal para sa seguridad ng lugar.
Ang mga checkpoint ay inilagay sa Barangay 22 (Boyboy Junction), sa kahabaan ng Piddig-Carasi-Solsona highway, at sa Barangay 18 Estancia malapit sa Sitio Utoy at Guisit.
Tiniyak naman ng Opisyal ang kaligtasan at pangangalaga ng Mount Lammin habang ito ay pansamantalang sarado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments