MTRCB, humirit ng dagdag na pondo sa Senado

Humirit ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na dagdagan ang ₱130.61-M na panukalang pondo nila sa susunod na taon.

Ayon kay Senador Jinggoy Estrada, nakasaad sa wish list ng ahensya ang dagdag na pondo para magamit sa honoraria sa bawat board member na dumadalo sa meeting.

Sinabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto, mayroon board meeting ang 30 board members kada buwan bukod pa sa mga special meetings.


Bukod dito, nais din ng MTRCB na makapaglaan ng P19 million para sa developmental activities bukod pa sa sahod ng mga job order employee.

Samantala, kinumpirma ni Sotto na nag-inhibit sya sa pagtalakay sa lahat ng kaso o reklamo sa lahat ng mga noontime television show sa bansa upang maiwasan ang alegasyon ng pagiging biased.

Facebook Comments