Ibinasura ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang motion for reconsideration ng Sonshine Media Network International o SMNI kaugnay sa ipinataw nitong suspension sa nasabing network.
Matatandaang noong Disyembre ay nag -issue ng 14-day preventive suspension ang MTRCB sa programa ng SMNI na “Gikan sa Masa, Para sa Masa” at “Laban Kasama ang Bayan”.
Umapela ang SMNI noong ika-11 ng Enero.
Sa inilabas na pahayag ng MTRCB, hindi nakumbinsi ang ahensya sa apela ng SMNI.
Maliban sa pagbasura ng MTRCB, sinuspinde rin ng National Telecommunications Commission o NTC ang operasyon ng telebisyon at radio ng nasabing network.
Facebook Comments