MTRCB, nakapag-review ng higit 267,000 na materyal sa taong 2024

Sa layuning mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng palabas, nakapag-review ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng mahigit 267,000 na materyal ngayong 2024.

Mas mataas ito kumpara sa 255,220 noong 2023 at 230,280 noong 2022.

Kabilang dito ang 264,424 na mga materyal para sa telebisyon, 592 pelikula, 549 movie trailers at 1,525 publicity at optical media na isinumite ng mga producer at istasyon para mabigyan ng angkop na klasipikasyon.


Ayon kay MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ang lahat ng isinabmit sa Board ay nabigyan ng “age-appropriate ratings.”

Ito ay upang matiyak ang balanse at malayang pagpapahayag at pagprotekta sa manonood.

Facebook Comments