Quezon City – Kinalampag ng mga nagpakilalang biktima ng bagyong Yolanda ang bahay ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Time Street, Quezon City.
Tinawag nila itong “mud protest” kung saan nila pinagbabato ng putik ang bahay ng dating Pangulo.
Ipinoprotesta ng grupo ang umano’y kapabayaan ni Aquino noong panahon ng pananalasa ng bagyong Yolanda kung saan mahigit 6,000 ang namatay.
Ayon sa mga raliyista na galing pa ng northern Samar – bigong matugunan ni Aquino ang mga pangangailan nila matapos ang hagupit ng bagyo.
Kaya panawagan din nila sa administrasyong Duterte, panagutin si Aquino.
Samantala, bigo namang makalapit sa bahay ni Aquino ang mga raliyista dahil sa bagong tayong gate sa magkabilang dulo ng time street na bantay-sarado na rin ng mga tauhan ng barangay at ng QCPD.