Southern California – Umabot na sa labing tatlo (13) ang namatay habang mahigit dalwampu ang sugatan matapos ang nangyaring mudslide sa Southern California.
Ayon kay Santa Barbara Country Sheriff Bill Brown – posible pang madagdagan ang bilang ng casualties sa nangyaring mudslide.
Aniya, marami pa kasi ang hindi nakikita na posibleng natabunan ng gumuhong lupa.
Ilan sa mga naging biktima ay naapektuhan din nang nangyaring wildfire sa california noong nakaraang buwan.
Facebook Comments