
Inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mugshots ng mga pangunahing suspek na naaresto kaugnay ng kontrobersyal na flood control projects anomaly.
Kabilang sila sa mga unang nahuli sa nagpapatuloy na malawakang operasyon laban sa umano’y katiwalian sa paggamit ng pondo para sa flood control.
Una nang iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pito na ang naaresto at nasa kustodiya ng mga awtoridad dahil sa flood control projects anomaly.
Isa rito ang naaresto at anim naman ang kusang-loob na sumuko sa CIDG.
Habang dalawang akusado na rin ang nagpahayag ng kusang loob na pagsuko at ang mga natitira ay nananatiling ‘at large’, kabilang na ang dating kongresistang si Zaldy Co.
Facebook Comments









