Mukha ng pulitiko sa mga tarpaulin ipinagbabawal sa Dagupan City

42

“Bawal epal sa lungsod ng Dagupan”, saad ni Mayor Brian Lim.
Sa naganap na talumpati ni Mayor Brian Lim sa kanyang ika-100 ay binigyang diin nya ang pagtanggal sa mga tarpaulin na naglalaman ng pagmumukha ng mga pulitiko sa kanilang mga proyekto maging noong nakaraang eleksyon ay tinanggal ng City Engineering’s Office na nagpapatuloy hanggang sa ngayon.
Ang pagtanggal sa mga ito sa lansangan ay isa ginawan nya ng aksyon na kung maari umano ay huwag ipaskil sa mga pampublikong lugar ang mga tarpaulin at pangalan ng sinumang pulitiko patungkol sa mga nagawang proyekto. Minsan umano ay pinagmumulan ng kalat ang mga anturang tarpaulin.
Hindi na umano papayagan ang epal sa lungsod ng Dagupan.

Facebook Comments

From Advertisers