Mula booster shots para private sector workers, umani ng suporta mila sa mga senador

Sinuportahan ng mga senador ang panawagan ng pribadong sektor na ipagkaloob bilang booster shot sa kanilang mga empleyado at kani kanilang pamilya ang ilang COVID-19 vaccines ngayong tuloy-tuloy na ang pagdating ng bakuna sa bansa.

Ayon kay senator Sonny Angara, makatwiran ang apela ng private sector at sa halip na masayang o mag-expire ang ilang brand ng bakuna, ay mainam na ibigay na ito bilang booster shot.

Pabor din dito si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kaya habang marami pa ang ayaw magpabakuna ay mabuting unahin na ang mga nais tumanggap ng booster shots sa A4 category.


Sang-ayon din si Senator Joel Villanueva na kaysa abutan ng expiration ang mga bakuna, ay gamitin na ito bilang booster shots para sa mga A4 workers, lalo na ang mga economic frontliner tulad ng mga tsuper, sanitation workers, delivery personnel at iba pa.

Mungkahi naman ni Sen. Koko Pimentel, dapat bakunahan na ang sinumang gustong magpabakuna pero dapat tiyakin na tama ang bakuna na gagamitin bilang booster shots.

Giit naman ni Senator Nancy Binay, kailangang maging praktikal tayo at realistic upang hindi masayang ang mga bakuna na makakapagligtas ng buhay ngayong may pandemya.

Facebook Comments