MULING DUMULOG | Sister Patricia Fox, haharap sa dayalogo sa DOJ

23

Muling dumulog sa Bureau of Immigration si Australian Missionary Sister Patricia Fox.

Kasama ang kanyang mga abogado, muling umapela si Sis. Fox sa BI na ma-renew ang kanyang missionary visa.

Ayon kay Atty. Jobert Pahilga, Hindi na muna nila itutuloy ang aplikasyon ni Sis. Fox para sa tourist visa at sa halip, naka-focus sila sa apela sa BI na mapalawig pa ang missionary visa nito.

Sakali aniya kasing maibasura ang kanilang apela, automatikong downgraded sa tourist visa ang missionary visa ni Sister Fox.

Ngayong hapon, nagtungo rin sa Dept. of Justice para maghain ng petition for review kaugnay ng pagpapadeport sa kanya ng BI.

Facebook Comments