MULING ININSPEKSYON | Bar sa Makati na nakuhanan ng P1.7-million halaga ng party drugs, binalikan ng NCRPO

Manila, Philippines – Muling ininspeksyon ni NCRPO Director C/Supt. Guillermo Eleazar ang ipinasara nitong bar sa Makati Avenue.

Bitbit ang search warrant, binuksan ng NCRPO ang establisyimento para tiyaking wala nang iligal na drogang nakatago rito.

Matatandaang hindi nabuksan ang vault sa time bar noong unang isagawa ang raid dahil sa pagmamatigas ng bar manager na makipagtulungan sa mga otoridad.


Ayon kay Eleazar – naniniwala siyang marami pang droga ang nakatago sa gusali, bagay na nais nilang makuha para mapalakas pa ang kaso laban sa may-ari ng bar na si Danilo Regino at tatlumpu’t isa nitong empleyado.

Biyernes nang salakayin ng mga otoridad ang time bar kung saan nasabat ang nasa P1.7-million halaga ng party drugs.

Facebook Comments