Muling itinaas sa yellow at red alert status ang Luzon Grid ngayong araw

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dahil ito sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon na mayroon lamang 10,741 Megawatts na reserba gayong ang peak demand ay aabot sa 10,525 Megawatts.

Epektibo ang red alert kaninang alas-10:00 ng umaga na magtatagal hanggang alas-4:00 ng hapon habang ibaba ito sa yellow alert mamayang alas-4:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

At babalik muli sa red alert status, mamayang alas-6:00 ng gabi hangang  alas-7:00 ng gabi at yellow alert mamayang alas-7:00 ng gabi hanggang alas-11:00 ng gabi.


Ang yellow alert status ay nangangahulugan na konti na lang ang reserba ng kuryente habang ang red alert ay wala nang reserba at kailangan ng magpatupad ng rotational brownout.

Ang pagnipis ng reserba ng kuryente ay dahil sa biglaang pagpalya ng power plants na nagsu-suplay sa Luzon Grid.

Facebook Comments