Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto si Mocha Uson o O Esther Margaux

Sa listahan ng presidential appointee na ibinaba ng Palasyo ngayong araw, si Uson ay itinalaga bilang Deputy Executive Director V (Deputy Administrator) sa ilalim ng Overseas Wokers Welfare Administration (OWWA).

 

Sept. 23, 2019 ang petsa ng appointment paper ni Uson, at Sept. 26 naman ng ilabas ito.

 

Matatandaan na si Uson ay dati na ring nanungkulan sa pamahalaan bilang Assistant Secretary ng PCOO ngunit  nagbitiw sa pwesto noong Oktubre 2018 sa gitna ng mga batikos sa social media post nito, na ayon sa mga mambabatas ay taliwas sa trabaho nito sa PCOO, dahilan rin kung bakit naging pahirapan noon ang pagpagpasa ng budget ng PCOO.


Facebook Comments