Saturday, January 24, 2026

Muling magsasagawa ng pagtitipon ngayong araw sa Quezon City Memorial Circle para sa thanksgiving event ng Pride PH Festival

Sa abiso ng Pride PH, magsisimula ang event alas-4 ng hapon at tatagal hanggang alas-8 ng gabi.

Anila, nais ng grupo na tapusin ang buwan na dala ang mas pinalakas na puwersa sa paggiit ng kanilang karapatan.

Imbitado ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community katuwang ang mga partner organizations.

Nagpapasalamat naman ang Pride PH sa mga sumusuporta sa komunidad sa paglaban para makamit ang pantay na karapatan.

Matatandaang maagang tinapos ang Love Laban 2 Everyone o Pride PH Festival noong June 22 sa Quezon City Memorial Circle dahil sa malakas na pag-ulan.

Samantala, magsasagawa rin ngayong Linggo ng Pride picnic at film showing sa Rizal Park na inorganisa naman ng Metro Manila Pride.

Facebook Comments