MULING NAGWAGI | Recep Tayyip Erdogan, muling nanalo bilang Pangulo ng Turkey

Turkey – Muling nagwagi si Recep Tayyip erdogan bilang Pangulo ng Turkey.

Alay ni Recep Tayyip Erdogan sa kanyang mga mamamayan sa Turkey ang pagkakapanalo muli bilang Pangulo ng kanilang bansa.

Sa kanyang victory speech – inilay ng 64-year-old Turkish President sa mga mamamayan ng turkey ang kanyang pagkapanalo.


Hindi pa naman pormal na nagko-concede ang kalaban ni Erdogan.

Una rito, sa first round pa lamang ng Presidential poll sa Turkey, nakuha ni erdogan ang 53 percent ng boto habang 31 percent lamang ang kanyang closest rival.

Mismong ang election authority Chief na si sadi guven ang naghayag na nakuha ng turkey’s long-standing leader ang “Absolute Majority of All Valid Votes.”

Sa darating pa na biyernes iaanunsyo ang final result ng isinagawang eleksyon.

Facebook Comments