Muling pagbabalik ng face-to-face graduation ng PNPA, dadaluhan ni Pangulong Duterte

Panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte sa 43rd Commencement Exercise ng Philippine National Police Academy (PNPA) Alab Talis class of 2022 na nakatakda ngayong alas-3:00 ng hapon.

Makalipas ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic, ito muli ang pagbabalik ng face-to-face graduation rites sa PNPA.

Inaasahang magiging mahigpit ang pagpapatupad na health and safety protocol sa gagawing graduation rites.


Sa mga dadalo, kailangang makapag-pakita ng negative RT-PCR test result habang inaasahang magiging mahigpit din ang pagpapatupad ng minimum health standards.

Sa mahigit 200 magtatapos sa akademya, 204 dito ang papasok sa PNP, 11 sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at 11 din sa Bureau of Fire Protection o BFP.

Facebook Comments