Muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa, iginiit sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine

Hinimok ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pamahalaan na buksang muli ang ekonomiya ng bansa sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Concepcion, ito ay para maibsan ang epekto sa presyo ng mga bilihin ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa ngayon kasi aniya ay tumaas na ang presyo ng trigo bunsod ng kaguluhan.


Paliwanag ni Concepcion, isa ang Ukraine sa pinakamalaking supplier ng trigo na maaaring makaapekto sa presyo ng pandesal, petrolyo, skim milk, asukal at mantika sa Pilipinas.

“Sana huwag talagang lumala ang giyera dito sa Ukraine at Russia kasi baka mamaya talagang it will really cause more increases. ‘Yun ang isang importante kaya sinasabi namin dapat buksan talaga ang economy ng Pilipinas as soon as possible especially sa areas na pwede, about 80 percent vaccinated. You need a strong economy to withstand any of these effects,” ani Concepcion.

Kasabay nito, pinaghahanda naman ni Concepcion ang mga negosyante sa bansa sa magigng epekto sa ekonomiya ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Facebook Comments