Inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan na buksan na muli ang ekonomiya sa National Capital Region o NCR Plus area.
Kasunod ito ng umiiral na dalawang linggong Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Concepcion, naniniwala siyang bumaba na ang COVID-19 cases matapos ang mas istriktong quarantine classification sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Aniya, mainam na buksan na muli ang ekonomiya sa NCR Plus area lalo’t nakakaranas na ang bansa ng malalang sitwasyon at marami ng negosyo ang nalulugi.
Sakali naman aniyang tumaas muli ang COVID cases, maaari namang magpatupad ang pamahalaan ng lockdown.
Facebook Comments