Muling pagbubukas ng mga sinehan at arcades, kasama sa agenda ng IATF meeting ngayong hapon

Tinatalakay ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga apela na ipabilang na ang mga sinehan at arcades sa mga negosyong papayagan nang makabalik sa operasyon.

Pero ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, saka-sakaling payagan muli na magbukas ang mga sinehan at arcades ay para lamang sa mga lugar na mapapasailalim sa Alert Level 3.

Ibig sabihin, ang mga sinehan, arcades, at iba pang recreational o entertainment establishment na nasa ilalim ng Alert Level 4 na siyang umiiiral ngayon sa Metro Manila ay hindi pa kabilang sa mga mapagbibigyan.


Kaugnay nito, una na ring sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na kung mayroon mang pinag-aaralang buksan pa ang IATF para sa Alert Level 4, ito ay ang iba pang personal care services na hindi pa kabilang sa mga kasalukuyan nang pinapayagan.

Facebook Comments