Muling pagbuhay sa peace talks ng gobyerno at NDF, inaasahang magdudulot ng pag-unlad sa bansa

Naniniwala si Senator Jinggoy Estrada na isang malaking hakbang tungo sa kaunlaran ang pagkakasundo ng gobyerno at National Democratic Front (NDF) na muling buksan ang peace talks.

Ayon kay Estrada, Chairman ng Committee on National Defense and Security, isa itong positive development upang masolusyonan na ang dekadang armadong labanan na maaaring magresulta sa pagunlad ng maraming lalawigan.

Isa pa sa solusyon ang naunang inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na bibigyan ng amnestiya ang mga rebelde.


Bagama’t batid na posibleng maraming hamon ang kaharapin ng dalawang panig sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan, pero pinaniniwalaang ito ay magbubukas ng panibagong pagkakataon para sa masinsinang pag-uusap at kompromiso tungo sa pagresolba sa mga matagal nang usapin sa pagitan ng dalawang panig.

Tiniyak ni Estrada ang mahigpit na monitoring sa proseso ng peace talks at umaasa siya na ang resulta nito ay tungo sa reconciliation o pagkakasundo at para sa kapakanan ng mas nakararaming mga Pilipino.

Facebook Comments