Muling pagbuhay sa peace talks, resulta ng back channeling

Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na posibleng resulta ng backchannel negotiations ang posibleng pagbuhay sa usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpunta ni Bello sa The Netherlands para kausapin si Communist Leader Jose Maria Sison.

Ayon kay Bello – bago pa man ang utos ng Pangulo, nakikipag-negosasyon na siya kay Sison kahit napurnada ang peace talks.


Aniya, hindi niya ikinagulat ang anunsyo ng Pangulo dahil inatasan na siya na maghanap ng paraan sa muling pagbabalik ng peace talks.

Sinabi sa kanya ng Pangulo na kausapin ang mga komunista at sabihing pwedeng ituloy ang pag-uusap dito sa bansa.

Nais din ng Pangulo na ang negosasyon ay dapat sabayan ng ceasefire sa pagitan ng dalawang panig.

Si Bello ay nagsilbing pinuno ng Government Peace Panel sa mga nagdaang negosasyon.

Facebook Comments