Muling pagbuo ng Quad Committee ngayong 20th Congress, pormal nang isinulong sa Kamara

Pormal ng isinulong ni House Committee on Human Rights Chairman at Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na muling buuin ang Quad Committee.

Layunin nito na maipagpatuloy at palawakin ang imbestigasyon sa mga hindi pa nareresolbang kaso ng extrajudicial killings (EJKs), ilegal na operasyon ng droga, offshore gaming hubs, at talamak na korapsyon.

Bunsod nito ay inihain ni Abante ng isang resolusyon na pormal na nagpapahintulot sa mga Committee on Human Rights, Public Order and Safety, Dangerous Drugs, at Public Accounts na muling magsanib pwersa para mabuo ang Quad Comm.

Ayon kay Abante, palalawakin pa ng Quad Comm ang imbestigasyon para maisama ang kaso ng mga nawawalang sabungero na maaaring masaklaw ng EJK.

Ipinagmalaki din ni Abante, ang mga panukalang batas na ibinunga ng mga imbestigasyong ikinasa ng quad comm sa nagdaang 19th Congress.

Facebook Comments