Muling pagdagsa ng mga pasaherong magsisiuwian para sa Eleksyon 2025, pinaghahandaan na ng pamunuan ng PITX

Naghahanda na ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa pagdagsa ng mga biyaherong magsisiuwian para sa darating na national at local eleksyon.

Ayon kay PITX Corporate affairs officer Kolyn Calbasa, inaasahan nilang dadagsa ang mga mag-uuwiang pasahero sa darating na May 9 araw ng biyernes hanggang Mayo 10 araw naman ng sabado.

Kasunod nito, nagpaalala naman ang pamunuan ng terminal sa mga pasahero patungkol sa mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng terminal.

Payo ng mga ito sa mga pasahero na magdala lamang ng sapat na gamit upang hindi gaano maabala.

Mas maigi rin na ngayon pa lang ay magpa-reserve na ng kanilang ticket para hindi na pumila pa sa mismong araw ng kanilang biyahe.

Facebook Comments