Muling paghihigpit sa mga patakaran laban sa COVID-19 hindi na kailangan ayon sa DOT

Walang plano ang Department of Tourism (DOT) na maghigpit muli ng mga patakaran sa mga tourist destination sa kabila ng naitatalang muling pagdami ng kaso ng COVID-19.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DOT Sec. Maria Christina Frasco na tapos na ang pandemya tulad na rin ng pahayag ng World Health Organization (WHO).

Ang direksyon aniya ngayon ng sektor ng turismo ay ituloy ang pagbubukas ng bansa sa mga biyahe at turismo katulad ng kagustuhan ni Pangulong Bongbong Marcos.


Pero, nilinaw ng kalihim na suportado nila ang mga hakbang ng Department of Health (DOH) para mapanatili pa ring ligtas laban sa COVID-19 ang publiko.

Nakalatag pa rin aniya ng lahat ng minimum health and safety standards sa mga tourism destinations sa Pilipinas, lalo na sa mga gusaling accredited ng DOT.

Facebook Comments