Muling pagpapagana ng Task force El Ñino inutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang reactivation ng Task Force El Niño sa isinagawang cabinet meeting kahapon sa Malacañang.

Sa press briefing sa Malacañang kanyang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, na magi-isyu ng Executive Order (EO) ang pangulo para kahit papapaanoy maibsan ang epekto ng El Niño phenomenom na mararanasan hanggang sa ikalawang quarter ng susunod na taon.

Sinabi ni Teodoro, na may limang sektor ang pagtutuunan ng task force para kahit papaanoy hindi matindi ang epekto ng El Niño ito ay ang water, agriculture, energy, health at public safety.


Sa lalong madaling panahon ayon kay Secretary Teodoro ay ilalabas ng pangulo ang EO.

Ito ay para sa maaga paghahanda at patuloy na monitoring sa posibleng epekyo ng El Niño sa buong bansa.

Ang Task Force El Niño ay in-activate noong taong 2001 sa pamamagitan ng EO No. 16 at muling pagaganahin ni PBBM

Kaugnay nito ayon pa kay Teodoro naisumite ng NEDA kay Pangulong Marcos ang National Action plan na pinagbatayan sa reactivation ng Task Force El Niño.

Samantala sinabi naman ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, na inutos rin ng pangulo ang pagkakaroon ng infrastructure investments multi-purpose upang makalikha ng mahahalagang hakbang para mapigilan ang epekto ng El Niño gaya ng flood control, irigasyon, at water supply.

Facebook Comments