Muling pagpapatupad ng anti-distracted driving act, inulan ng memes sa social media

Manila, Philippines – Inulan ng memes o nakakatuwang litrato sa social media ang anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na ibabalik nito ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA) ngayong buwan.

Tanong ng isang netizen, kasama ba sa tinatawag na ‘distraction’ sa pagmamaneho kapag may nakitang legs o yung walang pintuan.

May mga iba naman na hindi susundin ang batas tulad ng isang litrato na may caption ‘my car, my rules’.


Banat naman ng isang netizen, kahit anuman pang batas ang ipasa pero sablay ang impementasyon ay wala itong patutunguhan.

Para sumunod ang lahat ay dapat kabitan ng baril ang mga traffic light at CCTV sa mga kalsada.

DZXL558

Facebook Comments