Manila, Philippines – Ikinadismaya ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo ang pagkaudlot ikalawang beses na pagsalang niya sa Commission on Appointments.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Secretary Taguiwalo, na patuloy niyang gagampanan ang kanyang trabaho hanggang pinagkakatiwalaan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang confirmation hearing kay Taguiwalo ay hindi natuloy dahil naubos ang oras ng Commission Appointments sa Confirmation Hearing kay Health Secretary Paulyn Ubial.
Ito ay dahil sa haba ng pagdedetalye ni Congressman Harry Roque ng kanyang pagtutol sa ad interim appointment ni Ubial.
Sabi ni Roque, incompetent si Ubial, at sinungaling dahil itnaggi nito noon sa congressional inquiry na may kaso na ng zika virus sa bansa pero 2012 pala ay mayroon na.
Inakusahan din ni Roque si Ubial ng pagsasayang ng government resources at sa katunayan ay nakakainggit daw ang records nito ng biyahe sa abroad.
Binanggit din ni Congressman Roque ang pakikialam ni Ubial sa araw araw na affairs ng Philhealth pero nagbubulag bulagan naman ito sa anumalya sa Philhealth.
Binatikos din Roque ang pagpapahinto ni Ubial sa dengue vaccine upang gamitin ang pondo nito pambili ng pneumonia vaccine kung saan mayroon sya umanong pakinabang.
Hindi rin nakaligtas sa puna ni Roque ang pamimigay condoms ng DOH sa ilalim ng pamumuno ni Ubial sa mga high school students na mas dapat aniyang ipamigay sa gay community.
DZXL558