MULING PAGSALANTA NG BAHA, PINAGHAHANDAAN NG BRGY. GAGABUTAN

CAUAYAN CITY- Dahil madalas makaranas ng pagbaha ang Brgy. Gagabutan ay nakahanda na ang kanilang pamunuan sa muling pagsalanta nito sa kanilang lugar.

 

Sa panayam ng IFM News Team kay Sherwin Garcia, Punong Barangay ng Brgy. Gagabutan, isa ang kanilang barangay sa Lungsod ng Cauayan na madalas malubog sa baha kung saan nasanay na ang mga tao na makaranas nito.

 

Aniya, bilang bahagi ng kanilang paghahanda ay kumpleto sa kagamitan ang kanilang barangay katulad ng bangka at life vests.


 

Dagdag pa niya, hindi pahirapan ang paglikas ng mga residente tuwing kalamidad dahil kusang lumilikas ang mga ito tuwing tumataas ang tubig baha.

 

Samantala, umaasa naman si Kapitan Garcia na hindi muli makakaranas ng pagbaha ang kanyang nasasakupan lalo na at nakakaranas ngayon ng pag-ulan sa Lungsod.

Facebook Comments