Pag-iisipang mabuti ni Vice President Leni Robredo kung muling aanib ang Pilipinas para maging miyembro ng International Criminal Court (ICC) sakaling siya ang susunod na pangulo ng bansa.
Matatandaang wala pang desisyon si Robredo kung tatakbo sa pagkapangulo sa susunod na eleksyon.
Ayon kay Robredo, kailangan niyang pag-isipan kung ang pagiging ICC member ng Pilipinas ay makakatulong o mapapakinabangan ng bansa.
“Bakit ba tayo nag-member ng ICC in the first place? Ano iyong dahilan natin kung bakit tayo umalis sa ICC? Kasi I think it will be very important for us, parang to commit ourselves na kung kinakailangan natin maging miyembro talaga ng ICC, kailangan maging committed tayo sa lahat na proseso niya,” sabi ni Robredo sa interview ng ANC.
Tumanggi muna ni Robredo na ilahad ang buong plano niya tungkol sa ICC dahil baka haluan ito ng pulitika.
“Para kasi sa akin masyadong, baka masyadong political tapos lumabas pa na vendetta na sasabihin ko na, I will be, you know, I will be very supportive of the ICC kasi gusto kong ipahuli o ipakulong si Presidente,” dagdag pa ng bise presidente.
Matatandaang umalis ang Pilipinas sa pagiging miyembro nito sa tribunal noong March 2018.