Muling pagsali ng Pilipinas sa Rome Statute, ikinokonsidera na kaugnay sa posibleng paglalabas ng arrest warrant ng ICC – DOJ

Inihahanda na ng Department of Justice ang legal brief para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaugnay sa mga posibleng opsiyon gaya ng pagbabalik sa Rome Statute.

Ito ay sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng pahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na posibleng mangyari ang pag-aresto sa Hunyo o Hulyo.

Ayon sa tagapagsalita ng DOJ na si Justice Assistant Secretary Mico Clavano, ang naturang briefer ang magiging analysis para sa pros and cons ng bawat opsyon sakaling papasukin na ang ICC.


Nakapaloob din dito ang lahat ng posibleng maging hakbang ng pangulo at ang mga legalities at potential remedies.

Nilinaw naman ni Clavano na walang pagbabago sa paninindigan ng gobyerno sa ICC at mga opsyon lamang ito ng pamahalaan.

Facebook Comments