Maaaring sa ikatlong linggo pa ng Enero sa susunod na taon magkaroon ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, infectious disease expert, umaasa siyang marami nang bakunado sa panahong ito at kaunti na lamang ang makararanas ng severe cases ng COVID-19.
Aniya, dito pa lamang kasi lalabas ang resulta ng COVID-19 testing na isinagawa pagkatapos ng holiday season.
Kaugnay niyan, hinikayat naman ni Solante ang publiko lalo na iyong mga dumalo sa mga pagtitipon na sumailalim sa COVID-19 testing dahil na rin sa banta ng mas nakakahawang Omicron variant.
Iginiit ni Solante na marami naman ngayong Local Government Units ang nag-aalok ng libreng testing at dapat itong samantalahin para matiyak na wala silang sakit.
Facebook Comments