Muling pagsisimula ng EDSA Libreng Sakay, inihirit ng isang kongresista

Umapela si CamSur Rep. LRay Villafuerte sa Department of Transportation (DOTr) na makipagtulungan ng mahigpit sa Department of Budget and Management (DBM).

Ito ay para masimulan agad ang Libreng Sakay program sa kahabaan ng EDSA na malaki ang naitutulong sa mga mananakay sa national capital na gipit dahil sa patuloy na tumataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Ang panawagan ni Villafuerte ay kasunod ng kumpirmasyon ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na may nakalaan na ₱1.285-billion sa ilalim ng 2023 national budget para sa Service Contracting Program hanggang December.


Bunsod nito ay iginiit ni Villafuerte sa DOTr na tutukan ang pagpapabilis ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagproseso ng mga dokumento para sa programa.

Pangunahin aniya dito ang contract-signing sa dalawang bus consortiums na ES Transport & Partners Consortium at Mega Manila Consortium Corp na siyang kalahok sa Libreng Sakay program.

Facebook Comments