Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi dapat mag-panic ang publiko sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ito ni DOH Officer-in-Charge Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa briefing ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Vergeire, nasa average na 822 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 kada araw na ang mahigit 90% ay mild at asymptomatic habang nasa 8 to 9% ang severe and critical.
Dagdag pa ni Vergeire, isa pa lang ang naitatalang kaso ng “Arcturus” variant ng COVID-19 sa bansa at hinihintay pa nila ang resulta ng mga bagong genome sequencing na ginawa.
Sabi ni Vergeire, sa ngayon ay wala pang 20% ang healthcare utilization ng bansa dahil konti lamang ang kinakailangang dalhin sa ospital na tinamaan ng COVID.