Muling dumaing ang mga tricycle drivers sa lungsod ng Dagupan sa pagtaas ng presyo ng gasolina na epektibo kahapon, May 23 sa taong kasalukuyan.
Ang gasolina ay nagtaas ng P0.40-0.85 per liter, habang ang diesel ay tumaas ng P0.25-0.80 per liter at ang kerosene naman ay P0.35 per liter.
Ani ng mga tricycle drivers, bababa ang presyo ng gasolina ngunit mas malaki ang itinataas kinabukasan, bagama’t ang presyo ng pamasahe ay hindi gumagalaw kaya naman abonado pa umano sila.
Dagdag pa nito mas pinipiling transportasyon ang jeep o ang mga pasahero ay naglalakad na lamang kung malapit ang kanilang destinasyon.
Nakakaapekto rin ang nararasanang pagtaas ng mga produktong petrolyo sa may binubuhay na pamilya at pinapaaral na mga anak, dahil imbis na ipangdagdag ito sa kanilang kita ay napupunta pa sa pambili ng petrolyong pampasada.
Samantala, hanggang ngayon ay unstable pa rin ang presyo sa mga produktong petrolyo kaya’t wala umanong magawa ang mga ito kundi ang bumili pa rin para magpatuloy ang kanilang operasyon sa pagpapasada. |ifmnews
Facebook Comments