MULING PAGTAAS SA PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO NGAYONG ARAW, IDINAING NG MGA TRICYCLE AT JEEPNEY DRIVERS SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Isa sa mga daing inihahayag ngayon ng mga jeepney at tricycle drivers sa lungsod ng Dagupan ang muling pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na epektibo ngayong araw ng Martes, April 11.
Ilang produktong petrolyo tulad ng GASOLINE ay may pagtaas na P2.60 ang kada litro nito. Nagtaas din ang Diesel ng nasa P1.70 at ang Kerosene na nasa P1.90 ang pagtaas sa kada litro nito.
Ayon sa ilang drivers sa lungsod, malaking kabawasan na umano sa kanilang kita ang pagtaas ng presyo ng mga langis ngayon. Kung iipon na umano ay malaki na itong kontribusyon sa pang-araw araw nilang pamumuhay.

Saad din nila ang pagtaas ng mga bilhin kaya’t nagsabay sabay umano ang tila dobleng gastos ng pera ngayon. Bagamat ganito ay wala umano silang magagawa dahil kung hindi na mag magpapagasolina ay hindi sila makakapagpasada.
Sa kasalukuyan ay nasa ikalawang linggo na ang nararanasang pagtaas ng mga presyo ng langis at walang tiyak na petsa sa rollback nito. |ifmnews
Facebook Comments